Lunes, Disyembre 12, 2016

Basura mo, itapon ng wasto!



Layunin: Natutukoy ang iba‟t ibang paraan upang mapanatili ang kalinisan at kaayusan sa pamayanan at bansa sa pamamagitan ng wastong pagtatapon ng basura.

Paksa: Pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan.

Nakalaang Oras: 30 minuto bawat araw sa loob ng isang linggo.

Mga Kagamitan: larawan, krayola




Simulan ang aralin sa isang awit sa himig ng "Maliliit na Gagamba" 


                                                                  Maliliit na basura
                                                                   Ilagay sa bulsa
                                                                 Pag-uwi ng bahay 
                                                                   Itapon ng tama.


Pagmasdan ang mga larawan.





Paano maiiwasan ang mga sakunang dulot ng maling pagtatapon ng basura?

Ano ang kanilang gagawin sa mga basura sa paaralan at tahanan?

Kailangan ba nating sundin ang tamang pagtatapon ng basura? Bakit?


Basahin ang tula.

“Basura ang Dahilan
ni I. M. Gonzales”
Paligid ay kanais-nais
Kapag ito ay malinis
Kaya kumuha ka ng walis
Upang basura ay maalis.
Tahanan at paaralan
Pati na rin sa lansangan
Hindi dapat na kalatan
Ito ay ating tahanan.
Mga kanal ay ingatan
Upang hindi mabarahan
Baradong kanal ang dahilan
Mga baha sa ating bayan.
Lagi sanang maalala
Saan man tayo magpunta
Sa pagtatapon ng basura
Kailangan ang disiplina.


Sagutin ang mga sumusunod na mga tanong:
1. Ayon sa binasa mong tula, anong uri ng kapaligiran ang kanais-nais?
2. Paano mapananatili ang kalinisan nito?
3. Ano ang dahilan ng mga suliranin sa kalinisan ng ating kapaligiran?
4. Ano ang ginagawa mo sa inyong mga basura sa tahanan at sa paaralan?
5. Makatutulong ba ito sa kalinisan at kaayusan ng iyong pamayanan?


Ating Tandaan:

Ang wastong pagtatapon ng basura ay makatutulong upang mapanatili ang kaayusan ng pamayanan.


Sa iyong sagutang pael, gumuhit ng masayang
mukha =)  kung sang-ayon ka sa sinasabi ng
pangungusap at malungkot na mukha =( kung
hindi.
1. Dapat itapon ang basura sa tamang lagayan.
2. Pabayaang mabulok ang basura kung hindi ito
makokolekta ng trak.
3. Dapat sunugin ang mga tuyong dahon at mga
papel
4. Ilagay muna sa bulsa ang maliliit na basura at
itapon pag-uwi ng bahay.
5. Gamiting muli ang mga gamit na puwede pa.


Isabuhay Natin:

Ang sanhi ng baha ay ang pagbabara ng mga kanal. Magbigay ng sarili mong solusyon upang maiwasan ang ganitong sitwasyon. Gumawa ng bangkang papel at isulat ang iyong sagot sa loob nito.



Gintong Aral:

Sa tamang pagtatapon ng basura
Bayan natin ay gaganda.

7 komento:

  1. Malaking tulong sa akin bilang guro ang iyong blog. Mas mapapadali ang paraan ng pagtuturo ko ngayon dahil sa mga istratehiya at materyales na aking maggamit. Sana ay ipag patuloy mo pa ang paggawa ng ganitong blog.

    TumugonBurahin
  2. I saw this blog and it is so much informative especially sa kids na nag-aaral sa ngayon. We can say that hindi tayo nahuhuli sa progress ng technology sa ngayon, na kung saan madali ma access o makita ng mga bata. Sana mas marami pang topic ang ma- add dito kung paano magiging wasto, makatao ang bata para sa susunod na generation.

    TumugonBurahin
  3. Based in this blog, it was a big learning to those kids right now. To inform them how to put a garbage in a right way, and to open their mind if what will be the effect, if they do the same thing, like what the other's do. keep it up! Good job!

    TumugonBurahin
  4. The teacher who made this blog is an epitome of a 21st century teacher. Through the use of internet (blog) to create a lesson plan is truly fascinating.what is a good thing about this idea is you can share it to other teachers who have the same lesson. I hope every teachers could learn this kind of technique. Good Job teacher for making this kind of blog. I hope you will continue inspiring and helping other teachers.

    Sir emir diaz here.

    TumugonBurahin
  5. Hindi na talaga matatawaran ang husay ng mga guro ngayon, pati pala lesson ay maaari na sa blog. I really appreciate it! You're so creative and passionate teacher. I hope marami ka pang magawang ganito. And I know for sure na magugustuhan ito ng mga kabataan ngayon. Lalo't halos lahat na ng mga kabataan ay may gadgets at marunong na sa computer. So, magugustuhan talaga nila ang ganitong set up for learning, for a change! keep it up teacher! Godbless you more...

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. ..i like the cReativity of the teAcheR..knOwing that studEnts nOwadAys are veRy eageR to learn new things in a difFeRent wAy..this kind of Learning stRategy is a big heLp to aLl the tEaheRs out theRe who aRe thinking of mOre engaging and enjoyAble way of Learning for the studEnts....
      Keep it up tEacher abie..such a gReat inspirAtion and encouRagement to ouR co-eduCarer to do their bEst in equipping childRen the way thAt they undErstand it betteR without bEing boRed..thumbs up foR this heLpful cReation of yOurs..mAy God continue to give yOu wisdOm in alL the things that yOu do.Godbless yOu...

      Burahin
  6. Pagbuo ng dalawang taludtod na tula tungkol sa pagtatapon ng basura

    TumugonBurahin