Layunin: Natutukoy ang iba‟t
ibang paraan upang mapanatili ang kalinisan at kaayusan sa pamayanan at bansa
sa pamamagitan ng wastong pagtatapon ng basura.
Paksa: Pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan.
Nakalaang Oras: 30 minuto bawat araw sa loob ng isang linggo.
Mga Kagamitan: larawan, krayola
Simulan ang aralin sa
isang awit sa himig ng "Maliliit na Gagamba"
Maliliit na basura
Ilagay
sa bulsa
Pag-uwi ng bahay
Itapon ng
tama.
Pagmasdan ang mga larawan.
Paano maiiwasan ang
mga sakunang dulot ng maling pagtatapon ng basura?
Ano ang kanilang
gagawin sa mga basura sa paaralan at tahanan?
Kailangan ba nating sundin ang tamang pagtatapon
ng basura? Bakit?
Basahin
ang tula.
“Basura ang Dahilan
ni I. M. Gonzales”
Paligid
ay kanais-nais
Kapag
ito ay malinis
Kaya
kumuha ka ng walis
Upang
basura ay maalis.
Tahanan
at paaralan
Pati
na rin sa lansangan
Hindi
dapat na kalatan
Ito
ay ating tahanan.
Mga
kanal ay ingatan
Upang
hindi mabarahan
Baradong
kanal ang dahilan
Mga
baha sa ating bayan.
Lagi
sanang maalala
Saan
man tayo magpunta
Sa
pagtatapon ng basura
Kailangan ang disiplina.
Sagutin
ang mga sumusunod na mga tanong:
1.
Ayon sa binasa mong tula, anong uri ng kapaligiran ang kanais-nais?
2.
Paano mapananatili ang kalinisan nito?
3.
Ano ang dahilan ng mga suliranin sa kalinisan ng ating kapaligiran?
4.
Ano ang ginagawa mo sa inyong mga basura sa tahanan at sa paaralan?
5. Makatutulong ba ito sa
kalinisan at kaayusan ng iyong pamayanan?
Ating Tandaan:
Ang wastong pagtatapon ng basura ay makatutulong upang mapanatili ang kaayusan ng pamayanan.
Sa
iyong sagutang pael, gumuhit ng masayang
mukha =) kung sang-ayon ka sa sinasabi ng
pangungusap
at malungkot na mukha =( kung
hindi.
1.
Dapat itapon ang basura sa tamang lagayan.
2.
Pabayaang mabulok ang basura kung hindi ito
makokolekta
ng trak.
3.
Dapat sunugin ang mga tuyong dahon at mga
papel
4.
Ilagay muna sa bulsa ang maliliit na basura at
itapon
pag-uwi ng bahay.
5. Gamiting muli ang mga
gamit na puwede pa.
Isabuhay Natin:
Ang
sanhi ng baha ay ang pagbabara ng mga kanal. Magbigay ng sarili mong solusyon
upang maiwasan ang ganitong sitwasyon. Gumawa ng bangkang papel at isulat ang
iyong sagot sa loob nito.
Gintong Aral:
Sa
tamang pagtatapon ng basura
Bayan
natin ay gaganda.